May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Tuesday Vargas bumoses sa isyu ng queer baiting: 'Hindi punchline ang kabaklaan!'

Tuesday Vargas bumoses sa isyu ng queer baiting: 'Hindi punchline ang kabaklaan!'
Photo Courtesy: Tuesday Vargas (FB)

Naglabas ng sentimyento ang komedyanteng si Tuesday Vargas kaugnay sa isyu ng queer-baiting.

Kabilang sa mga inaakusahang queer-bating ang content ay sina social media personalities Tito Marsy at Tito Abdul.

Maki-Balita: Boy Abunda binasbasan kabaklaan nina Marsy, Abdul

Ginagamit ang queer-baiting sa media upang makaakit ng mga queer audiences, ngunit hindi naman totoong narerepresenta ang LGBTQIA+ community.

Kaya sa isang Facebook post ni Tuesday kamakailan, sinabi niyang naniniwala umano siya na queer actors dapat ang gumaganap sa mga queer role.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“I believe queer actors should play queer roles because they bring an internal truth that a straight actor cannot replicate. Hindi punchline ang kabaklaan dahil lamang ginawa ito ng isang straight na actor,” saad ni Tuesday.

Dagdag pa niya, “Mas mahusay naman tayong mga creatives than this makaka-isip pa. 2026 na po. This is also about economic justice—giving jobs to a community historically excluded from them. Maraming mga baklang mahusay na walang ganap ngayon.”

Kaya apela ni Tuesday na unawain din sana ang laban ng mga miyembro ng LGBTQIA+ bago pagkakitaan.

Samantala, bumoses din si Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma kaugnay sa nasabing isyu.

Aniya, wala naman umanong problema sa pagbabakla-baklaan ngunit nagiging problema ito kapag pinagkakakitaan lamang at hindi sinusuportahan ang komunidad laban sa diskriminasyon.

Kaugnay na Balita: Miss Earth PH Joy Barcoma, bumwelta sa mga pinagkakakitaan pagbabakla-baklaan!