Muling naglabas ng anunsyo si United States (US) President Donald Trump kaugnay sa muling pagpapatigil niya ng pag-atake sa Iran na tatagal umano sa loob ng 10 araw.
Ayon sa naging pahayag ni Trump sa kaniyang Truth Social Account nitong Biyernes, Marso 27, sinabi niyang nagmula raw ang desisyon niyang ito sa hiling ng pamahalaan ng Iran.
Dahil dito, pansamantala raw munang matitigil ang pag-atake ng US sa mga Energy Plant ng Iran hanggang sa sumapit ang Abril 6, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'Hit harder, unleash hell!' US, nagbabalang aatake nang mas matindi kung 'di susuko Iran!
“As per Iranian Government request, please let this statement serve to represent that I am pausing the period of Energy Plant destruction by 10 Days to Monday, April 6, 2026, at 8 P.M., Eastern Time,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa post ni Trump.
Ani Trump, magpapatuloy raw ang pakikipagdiskusyon ng US sa Iran sa kabila ng mga lumabas na balitang hindi umano sila totoong nakikipagnegosasyon sa nasabing bansa.
“Talks are ongoing and, despite erroneous statements to the contrary by the Fake News Media, and others, they are going very well. Thank you for your attention to this matter!” pagtatapos niya.
Bago nito, matatandaang nauna na ng ianunsyo sa publiko ni Trump noong Marso 23 (petsa sa US) na inutusan daw niya ang kanilang Department of War ng US na itigil ang pag-atake sa mga power plants at energy infrastructure ng Iran sa loob ng limang araw dulot na rin ng maayos nilang naging negosasyon at diskusyon.
Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Iran’s Parliament speaker Mohammad-Bagher Ghalibaf sa naging pahayag niya sa kaniyang “X” account noon ding Marso 23, 2026, na nagkaroon sila ng negosasyon sa US at sinabi niyang fake news ang naging pahayag ni Trump upang manipulahin ang mga merkado ng langis.
KAUGNAY NA BALITA: Trump, pansamantalang pinatigil pambobomba sa Iran!
KAUGNAY NA BALITA: Iran, itinangging nakipag-usap sa US; Trump 'fake news' daw?