May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iran, itinangging nakipag-usap sa US; Trump 'fake news' daw?

Iran, itinangging nakipag-usap sa US; Trump 'fake news' daw?
Photo courtesy: AP, File Photo

Mariing pinabulaanan ng Iran ang naging pahayag ni United States (US) President Donald Trump na tila nagiging maganda na raw ang negosasyon nila para sa pagsusulong ng resolusyon kaugnay sa sigalot ng nagaganap sa Middle East. 

Matatandaang kasing inihayag ni Trump sa kaniyang Truth Social account noong Lunes, Marso 23, na nagkaroon daw sila ng pag-uusap ng Iran sa loob ng lumipas na dalawang araw. 

“I am pleased to report that the United States of America, and the country of Iran, have had, over the last two days, very good and productive conversations regarding a complete and total resolution of our hostilities in the Middle East,” ani Trump. 

Dagdag pa niya, “I have instructed the Department of War to postpone any and all military strikes against Iranian power plants and energy infrastructure for a five day period, subject to the success of the ongoing meetings and discussions.”

KAUGNAY NA BALITA: Trump, pansamantalang pinatigil pambobomba sa Iran!

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ayon naman sa naging pahayag ni Iran’s Parliament speaker Mohammad-Bagher Ghalibaf sa kaniyang “X” account noon ding Lunes, sinabi niyang mariing nananawagan ang lahat ng mamamayan ng Iran na mabigyang-parusa ang lahat ng mga umatake sa kanila at hindi raw sila titigil hangga’t hindi ito natutupad. 

“Iranian people demand complete and remorseful punishment of the aggressors.

All Iranian officials stand firmly behind their supreme leader and people until this goal is achieved,” pagsisimula niya. 

Buwelta ni Ghalibaf, wala raw nagaganap na negosasyon sa pagitan nila ng Us at nagpapalaganap lang daw ito ng  “fake news” upang manipulahin ang merkado ng langis sa mundo at makatakas sa sarili nilang ginawang “quagmire” o komunoy. 

“No negotiations have been held with the US, and fake news is used to manipulate the financial and oil markets and escape the quagmire in which the US and Israel are trapped,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas bagong pahayag, reaksyon, o tugon si Trump kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Banta ng US: Pasasabugin powerplant sa Iran 'pag 'di binuksan Strait of Hormuz!