May 22, 2026

Home BALITA

Banta ng US: Pasasabugin powerplant sa Iran 'pag 'di binuksan Strait of Hormuz!

Banta ng US: Pasasabugin powerplant sa Iran 'pag 'di binuksan Strait of Hormuz!
Photo courtesy: via AP News, via Tehran Times

Nagbanta si US President Donald Trump noong Sabado, Marso 21, 2026, laban sa mga planta ng kuryente ng Iran, sakaling hindi nito tuluyang buksan muli ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras.

Sa isang post sa social media, iginiit ni Trump, “If Iran doesn't FULLY OPEN, WITHOUT THREAT, the Strait of Hormuz, within 48 HOURS from this exact point in time, the United States of America will hit and obliterate their various POWER PLANTS, STARTING WITH THE BIGGEST ONE FIRST!"

Dumating ang bantang ito habang lalo pang umiigting ang tensyon sa pagitan ng mga bansa.

Samantala, ayon naman sa mga opisyal ng Israel, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ang Iran ng long-range missiles, na nagpapalawak sa banta ng pag-atake lampas sa Gitnang Silangan. Naiulat din na may mga nasugatan sa isang strike malapit sa nuclear site ng Israel.

Sinabi ni Israeli military chief na si Eyal Zamir na nagpakawala ang Iran ng dalawang ballistic missiles na may 4,000 kilometrong saklaw patungo sa US-UK military base na Diego Garcia sa Indian Ocean. Ayon sa militar ng Israel, ito ang unang paggamit ng ganitong uri ng missile mula nang simulan ng Estados Unidos at Israel ang pag-atake sa Iran noong Pebrero 28.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA: Missile in Iran, mas malayo na narating; tinarget US-UK military base sa Indian Ocean!

Dagdag ni Zamir, ang mga naturang missile ay may kakayahang tumama sa mga kabisera ng Europa gaya ng Berlin, Paris, at Rome.

Samantala, kinumpirma ng isang source mula sa defense ministry ng United Kingdom na naganap ang pag-atake bago pa man pahintulutan ng kanilang pamahalaan ang paggamit ng mga base militar para sa operasyon ng Estados Unidos laban sa Iran.

Sa pinakahuling bilang, mahigit 2,000 katao na ang nasawi sa Iran mula nang magsimula ang mga pag-atake ng US at Israel. Sa panig ng Israel, 15 naman ang kumpirmadong patay dahil sa mga strike ng Iran.