May 18, 2026

Home BALITA

PNP, maghihigpit sa seguridad sa 81st birthday ni FPRRD

PNP, maghihigpit sa seguridad sa 81st birthday ni FPRRD
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN, FPRRD Supporters/FB

Kasado na ang Philippine National Police (PNP)  sa paghahanda sa mga posibleng kilos-protesta para sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa darating na Sabado, Marso 28, 2026 magdiriwang ng ika 81-taong kaarawan ang dating Pangulo na isang taon ng nananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa PNP, nakatakda silang mag-deploy ng kanilang hanay sa mga lugar na maaaring pagdarausan ng kilos-protesta ng mga tagasuporta ni dating pangulong duterte at maging g kanilang pamilya.

"We are laying the groundwork to ensure that public assemblies remain orderly and secure. Our priority is to maintain public safety while providing a protected space for our fellow citizens to exercise their right to peaceful expression," ani PNP Chief Jose Melence Nartatez, Jr.

Bagama't nirerespeto raw ng PNP ang anumang aktibidad na ikakasa sa Sabado, nilinaw naman niyang nakaalerto pa rin ang kanilang hanay.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

"Inirerespeto naman ng kapulisan ang mga aktibidad na kanilang gagawin. Nakaalerto ang PNP upang siguraduhin na ligtas at matahimik ang gagawing pagprotesta sa araw na iyon," saad pa ni Nartatez.

Nakatakda rin umanong makipag-ugnayan ang PNP sa mga organizer ng rally upang matiyak ang mapayapang kilos-protesta sa nasabing petsa.

Matatandaang ito ang ikalawang taon na magdiriwang ng kaarawan si dating pangulong Duterte sa kustodiya ng ICC, magmula nang maaresto siya noong Marso 11, 2025 bunsod ng kasong crimes against humanity kaugnay ng naging madugo niyang kampanya kontra droga. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges