May 13, 2026

Home BALITA National

DBM, nilinaw na may budget kung sakaling ikasa ayuda sa minimum wage earners

DBM, nilinaw na may budget kung sakaling ikasa ayuda sa minimum wage earners
Photo courtesy: MANILA BULLETIN file photo

Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroon silang mailalabas na pondo, kung sakaling ipag-utos ang pamamahagi ng tulong-pinansyal para sa mga minimum wage earner.

Ayon kay Acting Budget Secretary Rolando Toledo, tanging ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mayroong malinaw na pondo na ₱21.3 bilyon—subalit ito ay para lamang sa mga nawalan ng trabaho at seasonal workers.

“I think we will leave that to the DOLE to identify what kind of programs po na pwede nilang ibigay sa ating mga minimum wage workers… Tinitignan na rin po ng DOLE siguro kung papaano. Pero sa ngayon, ito yung ating available na funding,” ani Toledo.

Sa kabila nito, siniguro naman niyang may mailalabas silang pondo kung sakaling kailangan ng minimum wage earners ang iba pang klase ng financial assistance. 

“But if there is a need for us to release naman, mayroon naman tayong available na pondo. Mayroon tayong mga contingent fund na available naman po diyan, if there is a need for us really to fund that if ever identified by the DOLE para sa ating mga…minimum wage workers,” saad ni Toledo.

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

Matatandaang matapos ang rollout ng ayuda sa sektor ng transportasyon ay ipinanawagan na rin ang pamimigay ng ayuda sa mga minimum wage earners, kasunod ng nakaambang pagtaas ng bilihin bunsod ng pandaigdigang krisis sa mga produktong petrolyo.

Noong Marso 24, tuluyan nang idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang state of national emergency.

Ipinaliwanag sa kautusan na ang Pilipinas, bilang isang bansang umaasa sa inaangkat na produktong petrolyo, ay lubhang vulnerable sa anumang pagkagambala sa global oil supply chain.

Dahil dito, kinakailangang kumilos ang pamahalaan upang maiwasan ang kakulangan sa enerhiya na maaaring makaapekto sa ekonomiya at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!