Hindi pinalampas ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang blind item ng isang radio station na pumapatungkol sa kaniya.
Sa isang Facebook post ng Yes FM Manila kamakailan, nabahagi sila ng art card kung saan makikitang nakalapat ang tila mata ni Joy.
“Sinong 'J' ang bully raw no'ng estudyante pa?” mababasa sa kalakip na text caption.
Komento naman ni Joy, "Joy Barcoma! O eto naman—sinong 'Y' ang cloutchaser na radio station?”
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na ang nasabing art card sa Facebook page ng Yes FM Manila.
Matatandaang minsan na ring gumawa ng ganitong klaseng pakulo ang nasabing radio station.Ito ay sa kasagsagan ng hindi umano pagsipot ni BINI member Maloi Ricalde sa isang event, dahilan para putaktihin siya ng bashers.
Makikita sa ibinahaging art card ng Yes FM Manila ang nakalapat na larawan na tila mata ni BINI Maloi.