May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Wala pa po kong regla until now:' Kween Yasmin, kumpirmadong buntis!

'Wala pa po kong regla until now:' Kween Yasmin, kumpirmadong buntis!

Kinumpirma ng social media personality na si Kween Yasmin na siya ay buntis, matapos ang sunod-sunod na usap-usapan online tungkol sa kaniyang kalagayan.

Nauna kasing inamin ni Kween Yasmin ang pagbubuntis niya sa podcast ng content creator na si Jeff Asistio, kung saan napag-usapan ang tungkol sa "fake news" na buntis na raw siya. 

Pero nagulat si Jeff na this time daw, totoong buntis na pala siya.

Sa isang emosyonal na pahayag sa social media post, diretsahang sinabi ni Yasmin, “Totoong buntis ako,” at ibinahaging tatlong linggo pa lamang ang kaniyang dinadala.

Ayon sa kaniya, ang ama ng kaniyang anak ay si Elmer Declaro Villacura, na tinukoy niyang kaniyang asawa.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

Sa parehong pahayag, ipinahayag ni Yasmin ang kaniyang pagmamahal kay Villacura sa kabila ng mga isyung kinahaharap nila.

“Mahal na mahal ko pa rin siya… love you mahal asawa ko,” aniya. Gayunpaman, naglabas din siya ng hinaing kaugnay ng umano’y pagdedeny sa kanilang anak. “Bakit dinideny mo anak natin dalawa? Mahal mo pa ba ako?” dagdag pa niya.

Iginiit din ni Yasmin na wala siyang ginawang masama laban sa iba. “Wala akong ninakaw, wala akong sinaktan,” aniya, kasabay ng paglilinaw sa ilang alegasyong ibinabato sa kanya.

Bukod dito, binanggit din niya ang isang indibidwal na kinilala niyang si Iyan Lita, na aniya’y may kinalaman sa isang insidente sa kanyang nakaraan, bagama’t hindi niya ito detalyadong ipinaliwanag.

Photo courtesy: Screenshot from Kween Yasmin/FB

Sa kabila ng mga kontrobersiya, sinabi ni Yasmin na magpapatuloy siya sa kaniyang trabaho at pagpapanatili ng kasiyahan sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang kinakaharap.