How true ang tsika na hindi umano sumipot ang actor-dancer na si Mark Herras sa isang okasyong ginanap sa Nueva Ecija?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, inispluk ni Mama Loi na may nakatakda umanong commitment si Mark na hindi nito tinupad.
“Ang sabi po nila, may commitment pa daw do'n si Mark para do'n sa grand parade at sobrang daming tao raw 'yong nag-abang sa kaniya,” saad ni Mama Loi.
Dagdag pa niya, “Sobrang nagalit daw 'yong buong barangay council ng Nieves, San Leonardo. Kasi nga raw, walang reply. Sobrang daming tawag daw pero hindi nag-a-update. [...] Nakapag-down payment na raw kay Mark Herras.”
Dahil dito, naipit tuloy ang booker sa naunsiyaming pagdalo ni Mark sa okasyon. Nakatakda umano itong sampahan ng kaso ng barangay council.
“Mukhang magsasampa ng kaso ‘yong sanggunian laban sa kaniya dahil nga siya ‘yong booker. Siya ‘yong may responsibilidad na umappear ‘yong talent na binook,” dugtong pa ni Mama Loi.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Mark hinggil sa nasabing isyu.