May 16, 2026

Home BALITA National

11 miyembro ng Prosecution Panel ng Kamara, dadalo sa Senado sa Lunes!

11 miyembro ng Prosecution Panel ng Kamara, dadalo sa Senado sa Lunes!
Photo courtesy: MB File Photo

Kinumpirma sa publiko ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na nakatakda raw pumunta ang 11 na mga miyembro ng House Prosecution Panel sa Senado sa darating na Lunes, Mayo 18, 2026, upang saksihan ang pagbubukas ng Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte. 

Ayon sa naging pahayag ni Ridon sa isinagawa nilang Saturday News Forum sa Kamara nitong Sabado, Mayo 16, sinabi niyang kasama siya sa 11 na mga pupunta sa Senado sa eksaktong 3:00 ng hapon sa araw ng Lunes.

“‘Yong kabuuan po ng 11 person [ng] House Prosecution Panel ay pupunta po sa Senado nang 3:00 ng hapon, May 18, para saksihan ‘yong pagbubukas ng Senate Impeachment Court,’ pagsisimula niya.

Dagdag pa niya, “Batay roon sa pronouncement at liham ni Senate President Alan Peter Cayetano.” 

Paliwanag ni Ridon, pupunta raw sila upang ipakita ang paggalang sa Senado at proseso na ipinag-uutos ng Konstitusyon ng Pilipinas.

National

OSAA, mariing pinabulaanan mga balitang walang CCTV sa Senado!

“Una, paggalang po sa Senado. Pangalawa, paggalang doon sa proseso na itinatadhana po ng Konstitusyon mismo,” saad niya. 

Ani Ridon, ang Kamara daw kasi ang isa sa pinakamalaking partidong may kaugnayan sa impeachment case bukod sa kampo ng partido ng VP Sara.

“Kasi syempre ang talaga namang mayor na partido dito sa trial na ito ‘yon pong partido ng Kamara, bukod sa partido ng Bise Presidente,” aniya. 

Paglilinaw naman ni Ridon, limitado lang daw ang papel nila sa magiging pagdalo sa Senado ngunit mahalaga raw na personal nilang masaksihan ang pagbubukas ng Senate Impeachment Court. 

“Limited pa po ‘yong papel ng Kamara dito po sa araw na ito. Pero mahalaga pong masaksihan po officially ng House Prosecution Panel ‘yong magiging kaganapan sa araw na ito,” saad niya. 

Pagpapatuloy ng mambabatas, umaasa raw sila na mabubuksan na ang Senate Impeachment Court sa Lunes para tuluyan nang gumulong ang impeachment case laban sa Bise Presidente.

‘Inaasahan po namin na talagang magko-convene sa araw na ito ‘yong Senate Impeachment Court at gugulong na, sa wakas, itong trial po ng Pangalawang Pangulo,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano, kinumpirmang natanggap ng Senado ang articles of impeachment