Nilagdaan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang liham para kay House Speaker Faustino Dy III na nagpapatibay sa pagtanggap ng Senado sa resolusyong naglalaman ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, na nai-transmit na mula sa Kamara noong Miyerkules, Mayo 13.
Sa kabila ito ng naganap na tensyon sa loob ng Senate premises kaugnay sa umano'y tangkang pagdakip ng mga awtoridad kay Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa.
Sa isinagawang press briefing sa Senado sa Pasay City nitong Huwebes, Mayo 14, 2026, ipinakita ni Cayetano ang liham bilang receipt na natanggap ng Senado ang articles of impeachment.
Kumpirmasyon ito na nagsisilbing susunod na hakbang sa proseso ng impeachment matapos maipadala ng Kamara de Representantes ang nasabing resolusyon.
Samantala, nabanggit naman ni Cayetano sa media na magko-convene ang Senate Impeachment Court sa Lunes, Mayo 18.