Agad na humarap sa publiko ang legal team spokesperson ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa at nilinaw niyang handa raw niyang tanggapin ang subpoena na ipapadala sa kaniya ng House Committee on Justice.
Matapos ito sa naging desisyon ng nasabing Komite na ipatawag si Poa bilang dati raw na tumayong chief of staff ni VP Sara noong kalihim pa lang ito ng Department of Education (DepEd) sa isinagawa nilang pagdinig para sa impeachment case laban sa bise presidente nitong Miyerkules, Marso 25, 2026, na.
Ayon naman sa naging pahayag ni Poa sa isinagawang niyang press briefing nito ring Miyerkules, sinabi niyang hihintayin at titingnan daw niya ang magiging laman ng subpoena na nakatakdang maihain laban sa kaniya.
“I will wait for the subpoena. Titingnan ko kung ano ‘yong laman ng subpoena,” pagsisimula niya.
Ani Poa, handa naman daw siyang dumalo sa pagdinig ng House Justice Committee.
“But definitely I am willing to attend. Wala akong any intention to evade, having to attend before the Committee on Justice,” aniya.
Paliwanag pa niya, sa katunayan daw ay hinintay muna nilang matapos ang pagdinig ng Komite bago sila magsagawa ng press conference bilang pagrespeto umano nila rito.
“I must say, I was monitoring the hearing. In fact, that’s why hindi kami nag-start until matapos ‘yong hearing out of due respect na rin sa Committee on Justice,” ‘ika niya.
Pagbabahagi ni Poa, ikinagulat daw niyang nasaad sa pagdinig ng Komite na siya raw ang tumayong in charge sa accomplishment report ng DepEd noon gayong hindi raw iyon totoo.
“I was a bit surprised because I think the grounds stated there was that I was the one in charge of the accomplishment reports, etc., but the facts and documents show that it was not me,” diin niya.
Giit ng abogado, wala naman daw siyang nakikitang dahilan para hindi dumalo sa pagdinig ng Komite kaya handa niya raw harapin ang ipapadala nitong subpoena laban sa kaniya.
“Nonetheless, I don’t see any point in not appearing. So I will definitely abide by the subpoena subject to, of course, titingnan natin kung ano ‘yong laman,” pagtatapos niya.
Samantala, nakatakda namang muling magsagawa ng kasunod na pagdinig ang House Justice Committee sa paparating na Abril 14, Abril 21, at Abril 29, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, mas pipiliin tumulong sa mga Pilipino kesa dumalo sa impeachment hearing!
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, umaasang ibabasura ng Kamara impeachment case laban sa kaniya!