April 27, 2026

Home BALITA National

Akbayan Rep. Cendaña, nagdala ng 'Mary Grace' at 'Piattos' sa House panel initial hearing

Akbayan Rep. Cendaña, nagdala ng 'Mary Grace' at 'Piattos' sa House panel initial hearing
Photo courtesy: Screenshots from Percy Cendaña (FB)

Ibinalandra ni Akbayan party-list Rep. Percy Cendaña ang mga dala-dala niyang snacks para sa ginanap na initial hearing ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Marso 25.

Sa kaniyang Facebook post, makikitang may dala-dala siyang paper bag mula sa kilalang restaurant na "Mary Grace" at sitsiryang Piattos na kulay-green.

"Nagtatanong siguro kayo kung anong laman ng Mary Grace bag ko ngayon. Ang laman niya ay Piattos, kasi naghihintay pa rin ang taumbayan, sino ba talaga si Mary Grace Piattos, at saan dinala ang ₱125 million na confidential funds," saad ng solon.

Samantala, ibinahagi naman ng "One News" ang larawan nina Cendaña, kapwa Akbayan Rep. Chel Diokno, at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila De Lima na may hawak na sitsirya ng nabanggit na produkto.

Matatandaang kontrobersiyal ang "Mary Grace Piattos" na umano'y isa sa mga recipient sa pinag-uusapang confidential fund ni VP Sara noong siya ay kalihim pa ng Department of Education (DepEd) mula 2022 hanggang 2023.

National

'Military-backed People Power' na isiniwalat ni Sen. Lacson, paiimbestigahan ng Malacañang!