May 14, 2026

Home BALITA Probinsya

Taas-sahod, aprubado na para sa mga manggagawa sa Bicol

Taas-sahod, aprubado na para sa mga manggagawa sa Bicol
Photo courtesy: MB

Inaprubahan na ng pamahalaan ang unang tranche ng taas-sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bicol region simula sa Abril, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) at National Wages and Productivity Commission (NWPC). 

Ayon sa anunsyo ng NWPC noong Lunes, Marso 23, mula sa kasalukuyang ₱435 na arawang minimum wage, magiging ₱455 na ito simula sa Abril 8, alinsunod sa Wage Order No. RBV-23.

Pagdating naman ng Disyembre 1, nakatakdang i-akyat ang arawang minimum wage sa ₱480. 

Kaya sa kabuoan, ₱45 kada araw ang idinagdag sa sahod ng mga manggagawa sa buong implementasyon ng pagtataas na ito. 

Ang implementasyong ito ay epektibo sa mga lungsod ng Iriga, Legazpi, Ligao, Masbate, Naga, Sorsogon, at Tabaco. 

Probinsya

Bangkay ng lalaking nakaposas, narekober sa poso negro sa Davao City!

Kabilang din dito ang mga probinsya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon. 

Saad ng DOLE, ang inisyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., na pagpapalakas sa kakayahan ng mga manggagawang Pinoy na magtustos sa kanilang mga pangangailangan at gastusin.