May 19, 2026

Home SHOWBIZ

Social media content creator sa mga umaancha sa LGBTQIA+: ‘We can co-exist!’

Social media content creator sa mga umaancha sa LGBTQIA+: ‘We can co-exist!’
Photo Courtesy: Poca (IG), Freepik

Nausisa ang social media personality na si Poca kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ng mister ni SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Alvin Aragon.

Ito ay matapos magbigay ng pananaw ni Alvin sa isang panayam hinggil sa pagiging transwoman ng anak-anakan niyang si Sofia Trazona, na umani ng samu’t saring reaksiyon.

Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, ibinahagi ni Poca ang dynamics ng relasyon niya sa mga magulang niya na kapuwa pastor.

Aniya, “[B]oth of my parents are pastors. But I have never, ever heard of them discriminating against me because of my gender. All they say is, 'We will pray for you, anak.' Wala ako naririnig na kahit ano.”

“Kagabi nga, ewan ko, sobrang close namin ng family ko, parang sinabi ko, 'Ma, pag-pray mo naman ako, medyo nai-stress [nitong] mga nakaraang araw,” dugtong pa ni Poca.

‘Nagkakataon lang!’ Andrea Brillantes, ‘di mahilig sa atleta

Tinupad naman daw ng nanay niya ang hiling niyang panalangin. Sa katunayan, nagpadala pa nga ito ng voice message kung saan maririnig ang pagdarasal nito para sa kaniya.

“We are so open to each other,” aniya.

Ayon kay Poca, maaari pa rin naman umanong umiral nang magkasabay ang mga miyembro ng LGBTQIA+ kasama ang mga relihiyosong tao.

“You can have your faith, and I can be me without being discriminated. We can co-exist naman,” saad ni Poca.

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako masamang tao, just because I'm gay, it doesn't mean that I'm a bad person. ‘Yong iba nga straight, ang sama-sama naman.”

Si Poca ay nakilala dahil sa kaniyang “unfiltered” skits, mapa-sweldo o work-themed man ito hanggang sa pang-araw-araw na mga ganap ng marami.