Nagbigay ng paglilinaw si dating Kapamilya star Andrea Brillantes kaugnay sa maling akala ng marami sa mga natitipuhan niyang lalaki.
Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Andrea na hindi raw niya inuusisa ang lalaking nakaka-date niya kung anong trabaho o ginagawa nito para alamin kung atleta ba o hindi.
Aniya, “Nalalaman ko na lang kunwari ‘pag gusto ko na ‘yong tao, ‘Oh, my gosh! Nagba-basketball pala siya. Ta’s naiisip ko, alam ko na sasabihin ng mga tao, another basketball player na naman.’”
“But hindi ‘yon ‘yong type ko. Hindi ‘yon ‘yong hanap ko. Nagkakataon lang kasi ‘yon ang number one sports sa Philippines. Every guy here in the Philippines knows how to play basketball. So it just so happens,” dugtong pa ni Andrea.
Matatandaang basketbolista na naman ang kasalukuyang boyfriend ni Andrea na si Franchesko Juan Capistrano.
Maki-Balita: ‘Pwera usog!’ Andrea Brillantes, flinex na ang bagong jowa
Bago ito, basketball player din ang lalaking naugnay kay Andrea noong Pebrero 2025 na si Samuel “Sam” Fernandez, isang Filipino-Jordanian varsity basketball player mula sa San Beda University.
Maki-Balita: Pink na bulaklak ni Andrea, ibinida; galing sa basketbolista?
Bukod pa rito ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero na isa ring manlalaro ng basketball.
Maki-Balita: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet