April 16, 2026

Home BALITA National

PBBM, inanunsyo ₱10k subsidy sa bawat bus unit

PBBM, inanunsyo ₱10k subsidy sa bawat bus unit
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, MB


Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapamahagi ang pamahalaan ng ₱10,000 subsidy para sa bawat bus unit.

Ito ay ibinahagi ng Pangulo sa distribusyon ng fuel subsidies para sa public utility vehicles (PUVs) sa PITX nitong Martes, Marso 24.

“We are now providing ₱10,000 subsidy for each bus unit,” saad ni PBBM.

Aniya, maaari daw matanggap ang subsidiya sa anumang paraan—digital, cash, o tseke man.

“Tapos ‘yong method of payment, lahat ng klaseng method of payment puwede. We can do it via digital payment, mga GCash, you can go through the ATM. Puwedeng mag-isyu ng tseke at kung talagang kailangan, kahit cash puwede pa rin,” aniya.

“Tulungan n’yo naman kami para ‘yong mga ating riding public ay hindi masyadong mahirapan, at hindi sila masyadong mabigatan sa pamasahe dahil nga alam naman natin kung ano ‘yong pangyayari—nagbabago ‘yong presyo ng langis all over the world,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni PBBM sa mga driver at operator na sabihan lamang ang pamahalaan hinggil sa kanilang suhestiyon kaugnay sa sistema ng transportasyon.

“Ang gusto natin is very…as convenient as possible, as easy as possible, at as quick ‘yong mabilis as possible,” anang Pangulo.

“Thank you all for being part of the solution, at patuloy nating gagawin ito—hangga’t kailangan,” pagtatapos niya.

Samantala, nauna nang napamahagian ng ₱5,000 fuel subsidy ang mga tricycle drivers na pumapasada at naninirahan sa National Capital Region (NCR).

MAKI-BALITA: 139k tricycle drivers sa NCR, inaasahang tatanggap ng ₱5k fuel subsidy simula Marso 17-Balita