May 14, 2026

Home BALITA National

Palasyo kay Rep. Toby Tiangco: 'Daming sinasabi pero walang ebidensya!'

Palasyo kay Rep. Toby Tiangco: 'Daming sinasabi pero walang ebidensya!'
Photo courtesy: PCO, File Photo

Binuweltahan ng Malacañang si Navotas lone district Rep. Toby Tiangco kaugnay sa mga naging pahayag nito tungkol sa maaari umanong panagutin ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na sangkot sa korapsyon sakali mang manalo itong Pangulo sa 2028. 

Matatandaan kasing sinabi ni Tiangco noong Marso 17, 2026, na tila isang milyong porsyento raw siyang siguradong hindi magagawang maareglo ng mga mambabatas si VP Sara kaya hindi gustong manalo ng mga ito ang huli. 

“Ang sinasabi ko lang, si Sara, one million percent hindi nila maareglo. So kung ikaw ‘yong merong may kasalanan, gusto mo bang manalo ‘yong one million percent [na] hindi mo maaareglo?” saad niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Ilang solon sa Kamara, 'di maaareglo si VP Sara sakaling manalo sa 2028—Rep. Toby Tiangco

Ayon naman sa isinagawang press briefing ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro noong Lunes, Marso 23, sinabi niyang tila marami lang daw nasasabi si Tiangco ngunit wala umano itong ipinapakitang mga ebidensya. 

National

Sasakyan ni Sen. Sotto, pinagbabato; Tito Sen, dismayado sa PNP

“Itong si Congressman Toby Tiangco, ang daming sinasabi pero wala tayong nakikita anomang ebidensya,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Sinabi niya na one million percent na papanagutin ng bise presidente ang mga korap or gumawa ng anomalya sa pondo ng bayan, especially sa flood control projects.” 

Buwelta ni Castro, kahit bise presidente pa lang ay dapat na magtrabaho na raw si VP Sara para mapanagot ang mga sangkot sa korapsyon, lalong lalo na raw sa panahon ng panunungkulan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“Hindi ba dapat kahit hindi pa Presidente, ang bise presidente [ay] dapat nagtatrabaho na siya para mapanagot ang mga diumanong korap lalong lalo na doon sa mga ghost projects noong panahon ng kaniyang ama,” diin niya. 

Ani Castro, marapat lang daw na tanungin ni Tiangco si dating Department of Public Works and Highway (DPWH) secretary at kasalukuyang senador na si Sen. Mark Villar kaugnay sa usaping korapsyon sa panahon ni FPRRD. 

“Madali naman niyang malalaman kung sinong involve dito. Tanungin lamang niya ang dating secretary ng DPWH na ngayon ay si Sen. Mark Villar,” aniya. 

“Hangga’t hindi niya ito nagagawa… maaaring nanlilinlang lang si Congressman Toby Tiangco,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o pahayag sa publiko si Tiangco kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Bakit ngayon takot silang ipatawag ‘yong 18 Marines?’—Rep. Toby Tiangco sa Kongreso