Usap-usapan ang napipintong pagganap ni Megastar Sharon Cuneta bilang bida sa nilulutong teleserye ng ABS-CBN at GMA Network.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Lunes, Marso 23, posibleng ang makasama umano ni Sharon ay A-lister Kapuso actress na laging humahakot ng ratings ang mga programa.
Sa kasalukuyan, ito pa lamang ang impormasyong inispluk ng PEP tungkol sa proyekto na sa Kapuso Network umano i-ere. Wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag mula sa GMA at ABS-CBN.
Sakaling matuloy ang teleserye, hindi ito ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawang bigating network para sa kolaborasyon.
Matatandaang pormal na inihayag ng GMA Network at ABS-CBN ang kanilang kauna-unahang pagsasanib-puwersa sa isang collaboration project, na reunion teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na may pamagat na "Unbreak My Heart" kasama pa sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.
Maki-Balita: 'Unbreak My Heart!' GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project
Pero naunang nagkaroon ng makasaysayang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang TV network, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula ng "Star Cinema", ang movie company ng ABS-CBN, sa afternoon prime ng GMA Network tuwing Linggo.
Samantala, ang pinakabagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN ay ang seryeng “The Secrets of Hotel 88” na kinabibilangan ng mga housemate sa unang batch ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
Maki-Balita: Bagong collab ng GMA, ABS-CBN pagbibidahan ng ilang PBB housemates; netizens excited!