May nilinaw si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro hinggil sa usapin ng pagiging exempted umano ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos, Jr., sa âanti-epal policy.â
Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Marso 23, 2026, iginiit ni Castro na ang Pangulo raw ay dapat makita at siya ring dapat magpakita sa taumbayan.
âThat is the event of the President. He should at least show to the people that the government is running, the government is properly managed for the country and for the people. So dapat makita siya,â ani Castro.
Paglilinaw pa niya, âDapat nakikita ang Pangulo dahil ang pagpapakita ng Pangulo ay pagpapakita ng tiwala sa mga kababayan natin. Na kung anumang krisis mayroon tayo ay maaari natin 'tong malampasan.â
Matatandaang noong Enero 2026 nang ikasa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anti-epal policy na naglalayong sitahin ang mga politikong magpapaskil ng kanilang mga mukha at pangalan sa mga proyekto ng gobyerno.
âAng Anti-Epal naman ay klaro na. Kapag may violations ang mga politicians, ang tinatawag namin na mga mamamayan na picturan, i-post sa Facebook at puwede naming imbestigahan,â ani DILG Sec. Jonvic Remulla.
Saad pa niya, âBawal ilagay ang pangalan na sila ang nagpagawa, bawal ilagay ang kanilang logo, bawal ilagay ang kanilang picture.â
KAUGNAY NA BALITA: âBawal ang epal!â DILG, nanawagang ireport mga politikong isasalpak mukha sa proyekto
Ayon pa kay Remulla, ang mga reklamong ikakasa laban sa mga epal na politiko au dapat paring dumaan sa tamang prosesoâbatay na rin sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code (LGC) of 1991.
Samantala, paglilinaw naman ni DILG-National Operations Office Director Dennis Villaseñor, ang mga reklamo laban sa mga elected barangay officials kagaya ng Sangguniang barangay members at sangguniang kabataan ay maaaring ihain sa sangguniang panlungsod o sangguniang bayan.
Habang reklamo naman sa barangay captain ay maaaring umakyat sa Office of the Ombudsman.
KAUGNAY NA BALITA: Bawal na bida-bida! Mga politikong 'di papaawat sa 'anti-epal' ng DILG, pwedeng masuspinde