May 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai Delas Alas, naghahanap pa rin ba ng lovelife?

Ai Ai Delas Alas, naghahanap pa rin ba ng lovelife?
Photo Courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)

Naurirat si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas kung naghahanap pa rin ba siya ng pag-ibig matapos nilang maghiwalay ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, sinabi ni Ai Ai na hindi na raw siya namamag-asa pa ng bagong lovelife.

“I love myself more. Martina, let’s go. Mahalin mo ang sarili mo. Lahat ng makakapagpasaya sa ‘yo, gawin mo. Ikaw muna ngayon,” saad ni Ai Ai.

Gayunman, nilinaw ng komedyante na hindi niya isinasarado ang posibilidad na magmahal ulit.

Aniya, “Ayaw ko ring magsalita ng tapos kasi baka mamaya ma-bash na naman ako. For now, aayusin ko muna lahat-lahat ng gusto ko. Mag-gym ako, magha-hyrox ako.”

Relasyon at Hiwalayan

Bago mag-med school: Rabiya Mateo, sinulit ni Jake Cuenca sa Hong Kong!

Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai sa mismong kaarawan niya noong Nobyembre 11, 2024 ang hiwalayan nila ni Gerald matapos ang mahigit isang dekada nilang pagsasama.

Maki-Balita: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Samantala, opisyal naman nang divorced ang dalawa matapos matanggap ni Ai Ai ang kopya ng desisyon ng Superior Court of California, County of San Joaquin, kaugnay sa inihain niya noong 2025.

Maki-Balita: Ai Ai Delas Alas, Gerald Sibayan divorced na!