Hawak mo na ba ang beat?
Sa lahat ng lugar— sa bahay, sa mall, sa convenience store—at sa kahit anong oras, tila narinig na ng bawat isa ang isa nang pamilyar na awitin sa ating mga tainga.
Sa tuwing tutugtog kasi ang kanta, tila ba awtomatikong rerehistro sa utak ng lahat ang dance steps ng trending dance craze na ito.
Sa iba’t ibang social media platform—TikTok, Facebook, o YouTube—halos lahat ay nakiindak na sa trend na ito—at ‘yan ay ang sikat na sikat ngayong “Hawak mo ang Beat.”
Ngunit nabigla ang lahat sa isang pasabog at impormasyong umugong kaugnay nito kamakailan.
Ayon kasi sa ilang mga pahayag, artificial intelligence (AI) generated daw ito!
Base sa isang post ng ibinahagi ng pahinang “Truth Slaps,” nagulantang daw ang lahat sapagkat AI-generated track daw ang awiting “Hawak mo ang Beat.”
Ayon naman sa ulat ng DZRH, nabuo raw ang kanta gamit ang AI-generated voice ng isang lalaki, na sinadyang pagmukhaing totoo at magtunog boses ng tunay na tao.
Ito pala ang dahilan kung bakit sa sobrang pagka-viral ng awiting ito, hindi pa rin nakikilala ang composer o singer man lang nito—kasi nga, AI-generated pala ito!
Dahil dito, hindi napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang komento at reaksiyon kaugnay sa nasabing ulat.
“Just like any other pop/rock/punk versions of songs you listen to on spotify. Lol”
“kaya pala chaka pakinggan”
“Pati yung "buksan mo papasukin ako" revival. AI din yun.”
“Kaya pala di masearch original singer”
“Si Taylor nalang talaga di AI Ngayon sa songs”
“Kung ang AI can create song from endangered languages like Agta languages, so this is very helpful”
“Naccontrol na ng ai yung tao thru music”
“Bagsak music industry ai song reborn”
“So most people can't tell AI? Hindi pa naman ganon ka husay ang AI ngayon pero madi differenciate mo naman ang AI music sa hindi”
Sa kabila ng kontrobersiyang ito, patuloy pa rin ang pag-ariba ng nasabing kanta.
Sa katunayan, marami pa ring netizens at celebrity ang napapaindak ng awiting ito gaya na lamang ni Unkabogable Superstar Vice Ganda, aktor na si Derrick Monasterio, aktres na si Ashley Ortega, komedyanang si Pokwang, at ang girl group na “Sexbomb Girls.”