May 05, 2026

Home SHOWBIZ

Ken, Pablo muntik magsuntukan dati dahil kay Stell

Ken, Pablo muntik magsuntukan dati dahil kay Stell
Photo Courtesy: Pablo, Stell, Ken (FB)

Naungkat ang naudlot na suntukan umano nina SB19 members Ken at Pablo dahil kay Stell na nag-ugat sa face mist.

Sa latest episode ng “Ang Walang Kwentang Podcast” kamakailan, isinalaysay ni Stell ang kuwento sa likod ng nasabing pangyayari.

"Ang kuwento po kasi nito, no'ng mga time kasi na 'yon, wala kaming makeup artist or anything. So kami-kami po lahat. Kami nag-aayos sa sarili namin,” lahad ni Stell.

Dagdag pa niya, “Lumapit ako kay Pablo, kasi wala na po akong mist, e. Sabi ko, 'Pablo, pahiram naman ng mist mo.' Tapos sabi niya, 'Wala, e. Paubos na.'”

Kaya nagpasya si Stell na kay Ken na lang humiram ng face mist, na hindi naman nag-atubiling magpahiram.

Tsika at Intriga

ABS-CBN, sinariwa ang ika-6 na anibersaryo ng broadcast shutdown

“Tapos biglang lumapit [si Pablo],” pagpapatuloy ni Stell. “‘Sige na nga gamitin mo na ‘yong mist ko.’ Sabi ko, ‘hindi na Okay na, sabi mo paubos na, e. Manghihiram na lang ako kay Ken.’ Sabi niya, ‘gamitin mo na.’ [...] Tapos, bigla niyang binato. ‘Sinabi nang gamitin mo, e!’ Anak ng pucha, anong problema nito?

Doon na umano nagsimula ang tensyon sa pagitan nina Pablo at Ken. Kinompronta ni Ken si Pablo para kuwestiyunin ang biglang pagsigaw nito, na tinugon din naman ni Pablo ng isa ring tanong.

“Ba’t ka nangingialam?” usisa ni Pablo kay Ken.

Pero hindi natuloy ang away ng dalawang miyembrong nagkainitan dahil naroon umano ang Korean teacher nila.