May 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Babae sa Rizal, nawalan ng malay dahil sa sleeping pills!

Babae sa Rizal, nawalan ng malay dahil sa sleeping pills!
Photo courtesy: PNP (FB)

Hinimatay sa daan ang isang babae sa Binangonan, Rizal, kamakailan dahil sa pag-inom ng sleeping pills. 

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Marso 22,  nilapitan ng pamilya ng nasabing babae sina Patrolman Richard Valerio at Patrolman John Daryl Magtibay ng Binangonan Municipal Police Station upang humingi ng tulong sa kaanak nilang nawalan ng malay. 

Saad pa sa pahayag, naganap ang insidente noong Marso 17, kung saan, lumapit ang pamilya sa mga awtoridad habang nagsasagawa ng kanilang routine mobile patrol sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal. 

Bilang tugon, kaagad naman nilang dinala ang babae sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

Ang agarang aksyong ito ay kinilala naman ng PNP at binanggit na ang insidenteng ito ay sumailalim sa PNP Focused Agenda, na isang gabay sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyo. 

Probinsya

‘New fear unlocked!’ Ahas, biglang lumitaw sa inidoro sa Negros Occidental

Anila, makikita rito ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support sa aktuwal na pagtulong sa mamamayang nangangailangan. 

“Every life matters, and our personnel must always be ready to respond with care and urgency. Sa mga ganitong sitwasyon, mahalaga ang agarang pagtugon upang makapagligtas ng buhay, ani PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., sa pahayag. 

Saad pa ng hepe, bilang pulis, ang kanilang tungkulin ay hindi lamang magpatupad ng batas, kung hindi maging ang pagtulong sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan. 

“Ang malasakit sa kapwa ay mahalagang bahagi ng serbisyo ng pulis. Naroroon kami hindi lamang para magpatupad ng batas, kundi para tumulong sa oras ng pangangailangan,” ani Nartatez.