May 12, 2026

Home BALITA

Romualdez, abswelto sa flood control scam ayon sa ICI—Rep. Acidre

Romualdez, abswelto sa flood control scam ayon sa ICI—Rep. Acidre
Photo Courtesy: via MB

Wala umanong nakitang pananagutan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez sa usapin ng flood control projects, sang-ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ito ay bilang tugon ni Acidre sa paratang ni Navotas Rep. Toby Tiangco kay Romualdez sa pagkakaugnay nito sa likod ng nasabing katiwalian.

Sa isang pahayag ni Acidre kamakailan, sinabi niyang batay umano sa referral ng ICI sa Ombudsman, walang anomang findings o kongklusyon na nagsasabing sangkot si Romualdez sa maanomalyang flood control projects.

Ani Acidre, “The ICI referral itself, signed by retired Supreme Court justice Andres Reyes, explicitly states: ‘This referral is issued without any finding or conclusion of guilt or liability on the part of former speaker Martin Romualdez.‘”

“That is not interpretation. That is the Commission’s own language,” dugtong pa ng kongresista.

National

Castro sa umano'y posibilidad na magaya si PBBM kina FPRRD, Sen. Bato: 'Definitely impossible!'

Sa kasalukuyan, nasa kamay na ng Ombudsman ang magiging kapalaran ng maanomalyang flood control projects matapos itong ipasa ng ICI sa kanila. 

Matatandaang napaulat noong Disyembre 2025 na kabilang si Romualdez sa 86 na indibidwal na pinakakasuhan bago matapos ang taon. 

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon

Isa si Romualdez sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Bagama’t pinabulaanan ni Romualdez ang mga paratang ni Discaya, patuloy pa ring lumakas ang panawagan na magbitiw siya sa puwesto.

Bukod dito, isiniwalat din ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na naghatid umano siya ng male-maletang pera kay Romuladez na sinusugan naman kalaunan ng dating sundalong si Orly Regala Guteza.

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: ‘Pilit na pilit!’ Romualdez, binakbakan lumutang na witness ni Marcoleta