May 11, 2026

Home BALITA

Torre sa usapin ng langis: 'Di lang economic issue—ito ay strategic vulnerability!'

Torre sa usapin ng langis: 'Di lang economic issue—ito ay strategic vulnerability!'
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB), via MB

Nagbigay ng pananaw si Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III kaugnay sa kasalukuyang isyu ng langis na patuloy ang pagtaas ng presyo sa merkado.

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Biyernes, ibinahagi niya ang paskil na tumalakay tungkol sa inisyatibo niyang “bike to work.”

“Ang usapin ng langis ay hindi lamang economic issue—ito ay strategic vulnerability,” saad ni Torre. “Kaya ang sagot, hindi lang paghahanap ng supply, kundi pagbabawas ng dependency.”

Dagdag pa niya, “Ito ang direksyon na kailangan nating pag-isipan bilang bansa. At sa totoo lang, may mga hakbang na kaya na nating simulan ngayon—hindi na kailangang hintayin pa.”

Matatandaang sa isa ring Facebook post noong Marso 4, muling kinumbinse ni Torre ang publiko para palakasin ang paglalakad at pagbibisikleta papuntang trabaho.

Probinsya

Lalaking nakiusap na hinaan ang speaker sa inuman, patay sa saksak!

Ilan umano sa mga benepisyo ng pag-ayon sa ganitong moda ng transportasyon ay liliit ang gastusin ng mamamayan, luluwag ang daloy ng trapiko, bababa ang konsumo ng langis, at magiging handa ang bansa sa pandaigdigang krisis sa enerhiya.

Maki-Balita: Active mobility, solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo—Torre