Pinag-iingat ng Migrant Workers Office (MWO) ng Dubai at Northern Emirates ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) hinggil sa umano’y panloloko sa repatriation assistance program na kasalukuyang ikinakasa ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon sa pahayag na inilabas ng MWO Dubai noong Huwebes, Marso 19, nakatanggap umano sila ng ilang mga ulat hinggil sa scam at fraudulent schemes kaugnay sa repatriation program ng DMW.
Paalala tuloy nila sa mga OFW, sa opisyal na channel lamang ng DMW at MWO maisasagawa ang tunay na repatriation process ng mga nabanggit na ahensya.
Abiso pa nila, tiyaking tama ang natatanggap o nababasang impormasyon hinggil sa nasabing programa.
“Avoid transacting with unauthorized individuals, agents, or social media accounts claiming to facilitate repatriation services,” anila.
“Refrain from sharing personal information or sending money to unverified sources,” dagdag pa nila.
“We urge everyone to carefully review the official guidelines and to communicate only through our official channels for any assistance or inquiries. Stay alert and help us combat scams by reporting suspicious activities to MWO-Dubai immediately,” pagtatapos nila.
Photo courtesy: MWO Dubai/FB
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring isinasagawa ang repatriation process ng mga OFW na labis na apektado ng sigalot ng mga bansang nasa Middle East.