Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa at maayos ang ikinasang nationwide strike ng iba’t ibang transport groups sa bansa noong Huwebes, Marso 19.
Kaugnay ito sa panawagan ng mga grupo hinggil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, bunga ng nagaganap na tensyon sa pagitan ng mga bansa sa Middle East.
Sa isang pahayag na ibinahagi ng PNP nitong Biyernes, Marso 20, ibinunyag nilang wala namang seryosong insidenteng naitala sa mga nasabing kilos-protesta.
“The Philippine National Police reports that the nationwide transport strike held yesterday, March 19, 2026, organized by transport groups to raise concerns over rising fuel costs and other sector issues, remained generally peaceful and orderly,” saad ng PNP.
Anila, “Several rally activities were conducted in various parts of the country, with no major incidents reported. Police personnel were deployed in key areas to ensure public safety, manage traffic, and assist commuters affected by the strike.”
Giit nila, patuloy daw ang respeto ng kanilang ahensya sa karapatan ng taumbayan na ipanawagan ang kanilang hinaing, kasabay ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan.
“The PNP continues to respect the right to peaceful assembly while maintaining public order. Close coordination with concerned government agencies and local authorities was sustained to minimize disruption and ensure prompt response when needed,” anang PNP.
“We assure the public that the PNP remains on alert and ready to respond to any developing situation, while continuing to safeguard the safety and security of all,” pagtatapos nila.
Photo courtesy: PNP
Maliban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, ipinanawagan din sa nabanggit na kilos-protesta ang iba’t ibang isyung panlipunan katulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, at ang agresyon ng Amerika kontra sa bansang Iran.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga panawagan ng PISTON hinggil sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, taas-pasahe-Balita
Matatandaang nagpadala ang PNP ng humigit-kumulang 10,000 pulis sa Metro Manila para sa kaayusan ng ikinasang protesta.