Muling nagbabalik sa pag-arte ang Kapamilya actress na si Yen Santos matapos ang matagal-tagal na showbiz hiatus simula noong 2021, matapos ma-link sa Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis.
Ayon sa post ng ABS-CBN, isa si Yen sa mga bibida sa newest microdrama series na "Twist of Fate."
Makakasama ni Yen sina Rafael Rosell, Angelica Lao, at Tony Labrusca sa direksyon ni Andoy Ranay.
"The best way to get even? Take everything," mababasa sa caption ng post.
"Watch out for the newest microdrama series, #TwistOfFate! Starring Yen Santos, Rafael Rosell, Angelica Lao & Tony Labrusca. Directed by Andoy Ranay."
"Coming soon on iWant!" anila pa.
HULING PAGBULAGA NI YEN
Bagama't ito ang unang acting project ni Yen matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, hindi naman ito ang unang beses na mapapanood si Yen sa social media.
Noong Agosto 2025, sumalang siya sa vlog kasama ang dating Ilocos Sur governor na si Luis "Chavit" Singson at dito ay sinagot ng huli ang mga kontrobersiyang nag-uugnay sa kanilang dalawa, lalo na ang isyu ng pagkakaroon na raw nila ng anak at pagiging magkarelasyon.
Maki-Balita: Chavit, sumagot kung may anak na sila ni Yen
Sa parehong buwan, sinagot din ni Yen ang mga espekulasyong hiwalay na sila ng karelasyon at sinabing ayaw na raw niyang magpunta sa Baguio na may kasamang "as a friend."
Maki-Balita: Nauntog na? Yen Santos ayaw na may ka-'Baguio trip as a friend'
Matatandaang inamin ni Paolo sa isang panayam na hiwalay na sila ni Yen.