May 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Bakit hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng ‘stretch marks?’

ALAMIN: Bakit hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng ‘stretch marks?’
Photo courtesy: Pexels

“Ayoko mag-shorts, kitang-kita ‘yong stretch marks ko.” 

Para sa ilang kababaihan, ang stretch marks ay isang marka sa katawan na dapat tinatakpan dahil nakakapangit daw ito at hindi pasok sa pinaniniwalaang “beauty standard” sa lipunan. 

Kaya kung minsan, kung hindi ito tinatakpan ng damit, ginagastusan pa ng iba’t ibang treatment at cream upang hindi mahalata at magkaroon ng mas mataas na kumpiyansa upang makapagsuot ng iba pang style ng damit. 

Habang walang masama sa skincare at treatments na nakatutulong sa itsura ng stretch marks, hinihikayat ng ilan pang kababaihan ang publiko na tanggapin at alagaan ang katawan may stretch marks pa ito o wala, dahil parte ito ng pagiging tao.

Partikular sa kababaihan, na ayon sa mga doktor, ang stretch marks ay tinatawag ding “warrior marks” dahil simbolo ito ng kanilang katatagan sa kabila ng hormonal changes at pagdadalang-tao, para sa ilan. 

Human-Interest

Walang Takas sa Batas: Paano kung si Gen. Torre humuli kay Sen. Bato?

Dahil dito, ayon sa pag-aaral ng Medical News Today, bagama’t pati kalalakihan ay nagkakaroon din ng stretch marks, mas naaapektuhan nito ang kababaihan dahil nangyayari ito kapag ang balat ay biglaang nababatak. 

Kadalasan, ito ay lumalabas sa iba’t ibang parte ng katawan tulad ng tiyan, mga hita, balakang, suso, braso, at ibabang bahagi ng likod. 

Mga kadalasang dahilan ng stretch marks

Ayon pa sa Medical News Today, ang mga sumusunod ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng stretch marks: 

- Pagbubuntis 

- Puberty 

- Mabilis na pagbigat ng timbang

- Matagal na paggamit ng corticosteroid creams at lotions dahil sa pagbaba ng lebel ng collagen sa balat. 

- Ilang medical condition tulad ng Marfan Syndrome kung saan nababawasan ang elasticity ng balat; at Cushing’s Syndrome kung saan ang katawan naman ay naglalabas ng maraming hormones na nagdudulot ng mabilisang pagbigat ng timbang at pagiging marupok ng balat. 

Ilan pa sa itinuturong risk factors ng stretch marks ay ang mga sumusunod: 

- Family history

- Chronic diseases

- Body Mass Index (BMI) ng isang babae bago ito magbuntis. 

- Timbang ng sanggol sa loob ng sinapupunan. 

Ayon sa ilan pang pag-aaral, bagama’t may treatments at creams na nabibili sa mga botika, ang stretch marks ay hindi na nawawala dahil ito ay ang pagkasira ng elastin protein fibers sa dermis layer ng balat.