Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang naging pahayag ng isang tricycle driver na sana raw, regular o monthly ang pamimigay ng ayudang ₱5,000-fuel subsidy para sa mga kagaya niyang tsuper dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, na dulot pa rin ng tensyon sa mga bansa sa Middle East, partikular sa Israel at Iran.
Sa panayam ng ABS-CBN News sa isang tricycle driver sa San Juan City, na "early bird" sa pila para makakuha ng fuel subsidy, sinabi niyang malaking tulong daw ang ayuda para sa mga kagaya niyang may binubuhay na pamilya at kung maaari daw, gawing regular ang pamamahagi nito.
"Malaki ang tulong... maibibigay na ano nito, 'yon nga, ₱5,000, malaking tulong," saad ng tricycle driver na 15 hanggang 20 taon na raw namamasada.
Dagdag pa niya, "Mas maganda kung regular, lagi dapat. Kahit monthly! Puwede."
Tila inalmahan naman ito ng mga netizen na umano'y "taxpayers" na mababasa sa comment section ng nabanggit na ulat.
"Give a man a fish, and you feed him for a day. Teach a man to fish, and he'll feed himself and others for a lifetime."
"MONTHLY sir? Pensionado yarn?"
"huwaw pensionado yarn?"
"gusto pa monthly ayuda kmi mga naggbaayd ng tax wala ngang ayuda lhat naman apektado aray ko."
"Bakit cash dapat fuel voucher"
"tuwang tuwa kyo sa ayuda kdaling ubusin ng 5k dapat pang matagalan na solosyun. mga pilipino talaga konting pera tuwang tuwa na kaya walang asenso."
"samantalang kaming taxpayers wala man lang kaming ayuda, hahaha."
"Buti kayong mga driver may ayuda 5,000 kaming mga ordinaryong tax payer nga nga pare pareho lang tayong mga apektado e!"
Maging ilang mga personalidad, gaya na lamang ng singer na si Richard Poon, ay napakomento rin dito.
"MONTHLY…KUNG PWEDE…” saad niya, na may hashtag na #OverTaxedWorkingPinoys."
Photo courtesy: Screenshot from Richard Poon/FB
Noong Martes, Marso 17, sinimulan na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle driver sa National Capital Region (NCR) sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Department of Transportation (DOTr).
Mag-uumpisa ang pamamahagi sa mga tricycle drivers sa Metro Manila, at isusunod naman ang mga drayber mula naman sa karatig-rehiyon nito.
Ayon sa kumpirmasyon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagbukas sila ng 30 payout sites sa buong National Capital Region (NCR) para sa mga tricycle drivers na kukuha ng nasabing subsidiya.
Maki-Balita: ALAMIN: 30 payout sites ng ₱5k fuel subsidy para sa NCR-based tricycle drivers
Maki-Balita: ₱5k subsidy, ipamamahagi sa mga apektadong sektor ng pagtaas ng presyo ng krudo-Balita