May 21, 2026

Home BALITA Politics

Kampo ni VP Sara, nanindigang nakabatay lang impeachment case niya sa 'speculation at narrative'

Kampo ni VP Sara, nanindigang nakabatay lang impeachment case niya sa 'speculation at narrative'

Nanindigan ang kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi nagbago ang kanilang posisyon matapos ideklarang may sapat na batayan ang impeachment complaints laban sa kaniya ng House Committee on Justice.

Ayon kay Michael Poa, bahagi ng defense team ng bise presidente, tahasan niyang iginiit na, “remains unchanged” ang kanilang paninindigan sa kabila ng naging pasya ng komite.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Marso 18, 2026, iginiit ni Poa na may kakulangan umano sa mga reklamong inihain laban kay Duterte.

“The complaints suffer from a fundamental defect. They are built on conclusions, speculation, and narratives that are not anchored on the ultimate facts required under the Constitution and the Rules,” ani Poa.

Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ng House Committee on Justice na may sapat na grounds ang mga reklamong impeachment laban sa bise presidente, na nagbukas ng posibilidad para umusad ang proseso laban sa kaniya.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

MAKI-BALITA: ALAMIN: Paano nga ba umaarangkada ang impeachment process sa Kamara at Senado?

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang depensa ng kampo ni Duterte at inaasahang magpapatuloy ang kanilang legal na hakbang sa mga susunod na yugto ng proseso.

Samantala, kamakailan lang ng punahin mismo ni VP Sara ang tila pinagkakaabalahang pamomolitika umano ng gobyerno habang dumaranas daw ng krisis ang bansa, bunsod ng nananatiling sigalot sa Middle East.

"Meanwhile, communities around the world are scrambling to protect their citizens and find solutions to shocks in the energy and commodities sectors. Yet the Philippine House of Representatives and the Office of the President remain preoccupied with a political nemesis who refuses to kowtow to their corrupt ways," anang Pangalawang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Balak na pagkupkop ng Kamara kay Madriaga, insulto sa biktima niya at sa mga Pilipino—VP Sara