May 22, 2026

Home BALITA Politics

Balak na pagkupkop ng Kamara kay Madriaga, insulto sa biktima niya at sa mga Pilipino—VP Sara

Balak na pagkupkop ng Kamara kay Madriaga, insulto sa biktima niya at sa mga Pilipino—VP Sara
Photo courtesy: MB file photo, contributed photo

Pinuna ni Vice President Sara DUterte ang nilulutong mosyon sa House Committee on Justice hinggil sa pagkupkop ng Kamara sa kustodiya ni Ramil Madriaga.

Si Madriaga ang ang nagpakilala noon bilang isa umano sa mga naging bag man ni VP Sara hinggil sa mga naging anomalya niya.

MAKI-BALITA: VP Sara, magsasampa ng kaso laban kay Ramil Madriaga!

Kamakailan lang nang magpasa ng mosyon si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa naturang Komite upang makuha ang kustodiya ni Madriaga na kasalukuyang nakakulong bunsod naman ng iba niyang criminal charges.

MAKI-BALITA: 'We want him alive!' Duterte camp, nagsalita sa ambang paglipat kay Madriaga sa Kamara

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Bunsod nito, tinawag ni VP Sara "disturbing" ang naturang mosyon para umano sa biniktima ni Madriaga noon.

"Even more disturbing is the treatment now being extended to Madriaga, an alleged kidnapper who fabricated an entire story. The request that he be given special treatment in the House of Representatives is a grave insult to the minor victim who was traumatized by his criminal acts," ani VP Sara sa inilabas niyang pahayag nitong Biyernes, Marso 13, 2026.

Binira din niya ang tila pinagkakaabalahan ng gobyerno ng Pilipinas sa kasagsagan ng krisis na nangyayari din sa iba't ibang panig ng mundo.

"Meanwhile, communities around the world are scrambling to protect their citizens and find solutions to shocks in the energy and commodities sectors. Yet the Philippine House of Representatives and the Office of the President remain preoccupied with a political nemesis who refuses to kowtow to their corrupt ways," anang Pangalawang Pangulo.

Iginiit din niyang insulto sa mga Pilipino ang pinagkakaabalahan ng gobyerno ng Pilipinas habang ang taumbayan daw ay patuloy na naaapektuhan ng sigalot sa Middle East.

"There is another insult. This time, it is directed at our OFWs, the poor, and the many Filipino families who may soon be pushed deeper into hardship as a result of war and its global consequences," giit niya.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, binira balak na 'subpoena' ng Kamara para sa ebidensya sa impeachment complaints niya