Naglabas ng pahayag ang ilang artists at makata na lumahok sa Kislap Diwa—isang cultural project na konektado kay Senate President Pro Tempore Sen. Loren Legarda.
Sa inilabas na statement na may pamagat na “Statement from Members of Kislap Diwa Artists and Poets,” noong Miyerkules, Mayo 21, 2026, sinabi ng grupo na nalagay umano sa pagdududa ang kanilang paniniwala kay Legarda bilang tagapagtanggol ng kultura at malikhaing sektor bunsod ng nangarying Senate coup sa liderato ng Senado.
“We, the artists and poets who participated in Kislap Diwa under the patronage of Senator Loren Legarda, write in dismay and sorrow over the recent conduct of the Senate of the Republic,” ayon sa pahayag.
Binanggit din ng grupo ang naging botohan noong Mayo 11, kung saan nahalal ang bagong liderato sa Senado at tinanggap ni Legarda ang posisyon bilang Senate President Pro Tempore.
“In the same sitting, the new majority extended ‘protective custody’ to a colleague against a public arrest warrant issued by the International Criminal Court for crimes against humanity,” saad pa sa pahayag.
Tinukoy rin ng mga lumagda ang umano’y pananahimik ni Legarda hinggil sa kaniyang boto at sa mga sumunod na pangyayari, kabilang ang insidente ng putukan sa loob ng Senado noong Mayo 13.
“A senator who invokes the language of culture has now joined a bloc whose inaugural act was to shield an individual from international justice,” bahagi pa ng statement.
Dahil dito, sinabi ng grupo na tuluyan na nilang pinuputol ang kanilang kaugnayan kay Legarda at sa mga programang may kaugnayan sa Kislap Diwa.
“We therefore formally disassociate ourselves from Senator Loren Legarda. We do not consent to our names, participation, or work under Kislap Diwa being used as part of her cultural legacy or in support of her political conduct,” ayon sa grupo.
Dagdag pa nila, hindi na sila tatanggap ng mga imbitasyon upang lumahok, magbasa, o parangalan sa anumang programang konektado sa opisina ng senadora.
Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ni Legarda sa bagong majority bloc na pinamumunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano—isang desisyong ayon sa ilang senador ay hindi nila inasahan, matapos ang matagal na pananatili ng senador sa dating majority bloc na pinangungunahan namin ni Sen. Tito Sotto III.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilababas na pahayag si Sen. Legarda hinggil sa naging desisyon ng Kislap Diwa.