May 18, 2026

Home SHOWBIZ

'Ensayo na!' Eman Bacosa, Raheel Bhyria nagkita

'Ensayo na!' Eman Bacosa, Raheel Bhyria nagkita
Photo Courtesy: Screenshots from Raheel Bhyria (TikTok)

Nagpanagpo ang dalawang Kapuso Sparkle artists na sina Eman Bacosa at Raheel Bhyria na kasalukuyang nauugnay kay Jillian Ward.

Sa TikTok post ni Raheel noong Martes, Marso 18, mapapanood ang video ng kanilang kamayan at pagpapalitan ng compliment sa isa’t isa.

"Napaka-humble nito, guys. Pogi ‘to," saad ni Eman.

Sabi naman ni Raheel, “De, mas pogi ‘to.”

Ni-repost naman ni Eman ang naturang video at nag-iwan ng komento.

Tsika at Intriga

Kaye, breast cancer survivor: Mister na si Paul Jake, 'pinakaba' ang netizens

Aniya, “What sup bro! ”

“Brother! Ensayo na!! ” sey naman ni Raheel.

Matatandaang minsan nang humirit ng boxing match si Raheel kay Eman noong Nobyembre 2025. 

Ito ay matapos ang pagkikita nina Jillian at Eman sa ginanap na premiere night ng "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie."

Ani Raheel, “Sparring idol [Eman].”

Tanging boxing gloves na emoji lang ang ni-reply ni Eman sa komento ng ka-love team ni Jilian. Hindi pa malinaw kung senyales na ba ito ng pagkasa niya sa hamon.

Samantala, lumulutang naman sa social media ang screenshot ng umano’y cryptic post na shinare ni Emman sa kaniyang TIkTok account.

"I can fight 100 men who want you. But I can't fight a guy who you want," mababasa umano sa post.

Ngunit nang silipin ng Balita ang nasabing cryptic post, hindi ito makita sa TikTok account ni Emman.