May 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng nagparaspa, nabutas bituka, natanggalan pa ng matres!

Babaeng nagparaspa, nabutas bituka, natanggalan pa ng matres!

Nananawagan ng hustisya at masusing imbestigasyon ang isang pamilya matapos dumanas ng malubhang komplikasyon ang isang ina kasunod ng isinagawang pagraspa sa kaniya.

Ayon sa mga ulat, 31 taong gulang ang biktima nang maospital siya napagdesisyunan ng doktor na isailalim ang pasyente sa tinatawag na “raspa” o uterine curettage—isang medikal na proseso kung saan nililinis ang loob ng matres upang alisin ang natitirang dugo o tissue, karaniwang ginagawa sa mga kaso ng komplikasyon sa pagbubuntis.

Gayunman, matapos ang naturang procedure, nakaranas umano siya ng matinding pananakit at hindi maayos na paggalaw, dahilan upang magpasya ang pamilya na ilipat siya sa isang pribadong ospital.

Doon, sa isinagawang pagsusuri at operasyon, nadiskubre umano na may pinsala sa kaniyang matres at naapektuhan din ang kaniyang bituka. 

Bunsod nito, kinailangan siyang operahan muli na nauwi sa pagtanggal ng kaniyang matres at paglalagay ng colostomy bag.

Probinsya

30 volcanic earthquakes, naitala ng Mayon; nakataas pa rin sa Alert Level 3

Dahil sa sunod-sunod na gamutan, sinabi ni Yayen na umabot na sa malaking halaga ang kanilang gastusin habang patuloy pa ring nagpapagaling ang kaniyang asawa.

Samantala, tiniyak ng bise-alkalde ng Narra, Palawan na bukas ang lokal na pamahalaan sa pagrepaso ng insidente. 

Ayon sa opisyal, hihintayin nila ang pormal na reklamo at mga dokumento mula sa pamilya upang masimulan ang kaukulang imbestigasyon.