May 22, 2026

Home BALITA

PDP Laban, nagbanta: ‘Di susuportahan mga papabor sa impeachment ni VP Sara!

PDP Laban, nagbanta: ‘Di susuportahan mga papabor sa impeachment ni VP Sara!
Photo Courtesy: PDP Laban, Sara Duterte (FB)

Binalaan ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) ang mga opisyal na boboto nang pabor sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa latest Facebook post ng PDP Laban nitong Linggo, Mayo 10, sinabi ng partido na marrin nilang tinututulan ang impeachment laban sa Bise Presidente.

Kaya naman ang sinomang opisyal na boboto umano sa impeachment laban kay VP Sara ay walang aasahang suporta mula sa kanila.

Anila, "Hindi sila papayagang lumipat sa partido. Hindi sila mabibigyan ng pagkakataong tumakbo sa ilalim ng bandila ng PDP Laban.”

“At kung kinakailangan, maghahain at susuporta ang PDP Laban ng matibay na kandidato laban sa kanila sa kani-kanilang distrito,” dugtong pa ng partido.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, nilinaw naman ng PDB Laban na hindi raw ito pananakot.

“Ito ay pananagutang pampulitika,” saad nila.

Matatandaang inihayag ng PDP Laban ang kanilang suporta sa kandidatura ni VP Sara sa pagkapangulo sa 2028 matapos nitong ianunsiyo ang tungkol dito noong Pebrero.

Maki-Balita: PDP Laban, suportado pagtakbo ni VP Sara sa pagkapangulo