Hindi napigilang purihin ng netizens ang naging performance ng Kapamilya star at “Your Face Sounds Familiar” (YFSF) contestant na si Alexa Ilacad sa naging panggagaya niya sa kapuwa niya YFSF contestant at komedyanteng si Rufa Mae Quinto.
Ayon sa inupload sa video ni Alexa sa kaniyang Facebook noong Linggo, Marso 15, 2026, mapapanood ang naging impersonation niya kay Rufa sa week 24 ng YFSF noong Marso 14, 2026 at pagkanta niya ng “Booba.”
Tila gayang-gaya ni Alexa maging ang kilos at tono ng pananalita o maging paraan ng pagkanta ni Rufa.
Mapapanood na sobrang nagiliwan sa performance ni Alexa si Rufa Mae, pati na rin ang mga huradong sina Erik Santos at Ogie Alcasid.
Ani naman ni Alexa sa kaniyang caption, matagal na raw niyang sinusubaybayan si Rufa at tila raw sobrang suwerte niyang magkaroon ng pagkakataong magaya ito.
“For the first time ever in #YourFaceSoundsFamiliar History, the legendary comedy queen, Rufa Mae Quinto, was recognized as an icon. As someone who has always adored her#, I feel tremendously lucky to have been given the GO GO GOOOO signal to portray the one and only Booba,” aniya.
Dagdag pa niya, “Bata palang ako, ‘Booba’ na ang theme song ng buhay ko. Kaya for this performance, I just wanted to spread happiness and good vibes- just like ate P-Chi! Help help hooray.”
Umani naman ng tila mga positibong reaksyon mula netizens ang naturang performance ni Alexa at sinabi nilang deserve daw niyang maging grand winner sa nasabing programa.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Alexa:
“Alexa Ilacad is the definition of YFSF. She can do literally everything, so Versatile! She deserve to win this season!”
“Nangangamoy grand winner this season si alexa”
“100x viewed 100x laughing”
“lahat ng inimitate na artists nyan, kuhang kuha..olivia rodrigo galing nya num”
“And this ladies and gentlemen is the reason why I pay my internet bills.. holy shit Hahaha.”
“Pag di siya winner dito, ewan ko na lang hahahaha”
“Yessshhh welcome to mysheelf... Nakakainisss. Hahhahahahahahha hayuf. Galing galing”
“umpinsa Hanggang dulo di ko namalayan nka ngiti ako ..tapus na pala..grabe Ang galing”
“Ginalingan masyado. My Champion, palaging competitive!”
“di ko to pansin dati eh pero ng dahil sa YFSF nagustuhan ko si Alexa, ang husay.”
Samantala, matagumpay namang nakakuha ng 36 points si Alexa mula sa puntos na ibinigay ng mga hurado at kapuwa niya contestant sa kaniya, dahilan para siya ang tanghaling winner sa week 24 ng YFSF.
MAKI-BALITA: Ogie Alcasid, Sharon Cuneta binanatan ng netizens dahil kay Rufa Mae Quinto
MAKI-BALITA: Rufa Mae sa pagsali sa ‘Your Face Sounds Familiar’: 'I'm depressed but it's okay because there's a freedom of press'