May 22, 2026

Home SHOWBIZ

‘Still can’t believe I’m a mom!’ Bea Borres, ipinagdiwang unang mother’s day bilang ina

‘Still can’t believe I’m a mom!’ Bea Borres, ipinagdiwang unang mother’s day bilang ina
Photo courtesy: Bea Borres (Instagram)

Masayang ibinahagi ng social media personality na si Bea Borres ang selfie nila ng kaniyang anak sa una niyang selebrasyon ng mother’s day bilang isang ina. 

Sa kaniyang instagram post ni Bea nitong Linggo, Mayo 10, makikitang ibinahagi niya ang isang photobooth selfie nila ng kaniyang anak na si baby Victoria Hope Borres. 

Sa caption, nakalagay ang isang heartwarming message na, “still cant believe im a mom! hardest yet the most rewarding job ever <3 happy mothers day .” 

Makikita rin sa comment section ng nasabing post na todo ang pagsuporta ng kaniyang followers, mga kaibigan, at kapwa social media personalities. 

“happy mother's day love!! ”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“happy mother's day, strong mom ”

“Happy mother's day bea proud of you”

“Happy Mother’s Day, B! You are one of the bravest people I’ve seen on social media. God bless you and Hopea.”

“I always look up to you despite everything. So proud of you being a strong mom to Pea and God bless for both of you”

Matatandaang ipinanganak ni Bea si baby Hope noong Disyembre 2025 at dahil naging “high risk” ang pagbubuntis niya rito, umabot ng 44 na araw sa loob ng Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ang kaniyang anak bago maiuwi. 

MAKI-BALITA: 'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU

KAUGNAY NA BALITA: 'Proudest moment of my life!' Bea Borres, 'di binigay sa anak apelyido ng erpat