Ibinahagi sa publiko ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” third big placer na si Joaquin Arce ang pagpapasalamat niya para sa suporta at pagtatanggol para sa kaniya ng step mother niyang versatile actress na si Angel Locsin.
Matatandaan kasing tila dumepensa sa kaniya noon si Angel matapos pumalag ng huli sa mga akusasyon ng publiko na isa raw siyang “nepo baby.”
“Bihira lang akong mag social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito. Ano namang kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad nya para ma-brand sya as nepo baby? Para namang hindi ako nag dyip o bus papuntang tapings ko dati. Kalevel ko pala si Discaya? Lol. Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw,” buwelta ni Angel sa kaniyang “X” post noon.
KAUGNAY NA BALITA: Angel Locsin, rumesbak sa 'nepo baby' brand kay Joaquin Arce dahil sa PBB
Ayon naman sa naging pahayag ni Joaquin sa pagdalo niya sa kaniyang Thanksgiving lunch sa Quezon City nitong Sabado, Marso 14, 2026, sinabi niyang nakita raw talaga niya kung paano siya pinagtanggol ni Angel.
“Nakita ko talaga. As in, pinagtanggol ako ni Darna,” pagsisimula niya.
Ani Joaquin, talaga raw na nagpapasalamat siya sa kaniyang stepmom dahil sa ginawang pagsuporta at pagtatanggol nito sa kaniya.
“So it’s not a lie na she, like, went out of her… just to support me. Talagang nagpapasalamat ako sa kaniya,” aniya.
Diin pa niya, “I really couldn't have done it without her.”
Saad niya, tila raw ginawa ni Angel ang lahat para sa kaniya at grateful siya dahil dito.
“Lahat ng mga ginawa niya para sa akin, ayon, I’m really grateful for her,” ‘ika niya.
Kuwento ni Joaquin, isa raw si Angel sa unang mga taong nakita niya sa paglabas ng PBB house.
“She’s one of the first people I met after… parang ‘yong mom ko, ‘yong dad ko, at saka si Tita Angel. They are the people I met,” pagtatapos niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Yung nerbyos ko talaga!' Angel Locsin, nagpasalamat na 'di na-evict si Joaquin sa PBB