March 18, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump sa pakikipaggiyera sa Iran: 'It's doing very well!'

Trump sa pakikipaggiyera sa Iran: 'It's doing very well!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Idiniin sa publiko ni United States (US) President Donald Trump na maganda raw ang nagiging takbo ng pakikipaggiyera nila laban sa bansang Iran. 

Ayon sa pinangunahang event ni Trump at ng asawa niyang si First Lady Melania Trump para sa pagdiriwang nila ng Women’s History Month noong Huwebes (araw sa US), Marso 12, 2026, nagawang isingit ng nasabing Pangulo ang sitwasyon ng pakikipaglaban nila sa Iran. 

Ani Trump, mabilis raw ang nagiging proseso ng giyera nila laban sa Iran at maganda raw ang nagiging takbo nito dahil sa hindi mapantayang puwersa ng hukbo ng US military. 

“The situation with Iran is moving along very rapidly,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “It’s doing very well. Our military is unsurpassed. There’s never been anything like it, nobody ever seen anything like it.” 

Internasyonal

Spain, kinumpisal kasalanan sa mga bansang sinakop nila

Pagpapatuloy ni Trump, matagal na raw dapat itong ginawa ng iba pang umupong mga US President sa loob ng 47 na taon ngunit mas pinili raw ng mga itong huwag magsimula ng giyera laban sa Iran. 

“We’re doing what has to be done. It should have been done during a 47 year period. It should have been done by a lot of people, [but] they chose not to do it,” diin niya.

Diin ni Trump, sadya umanong napupuno ng terorismo at pagkamuhi ang bansang Iran kaya kailangan daw managot nito. 

“But they really are a nation of terror and hate and they are paying a big price right now,” pagtatapos niya. 

Samantala, matatandaang namang nanindigan ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na sila umano ang magdedetermina ng pagtatapos giyera sa Middle East. 

“It is we who will determine the end of the war," saad ng IRGC.

Anila, “The equations and future status of the region are now in the hands of our armed forces; American forces will not end the war.”

KAUGNAY NA BALITA: Iran kay Trump: 'It is we who will determine the end of the war!'

KAUGNAY NA BALITA: Trump, dismayado sa desisyong pagpapalit ng supreme leader ng Iran!