Secured na ba ang account ng lahat?
Sa panahon ngayon, sa gitna ng globalisasyon at modernisasyon, halos lahat ng bagay ay nagagawa na sa pamamagitan ng internet.
Dahil dito, nakakabuo ang bawat isa ng mga personal na account na magagamit para sa komunikasyon, pampalipas-oras, pag-aaral, at maging sa negosyo.
Kung tutuusin, tila kayhirap isiping mabubuhay ang bawat isa nang wala ang internet at kanilang personal accounts, dahil halos dito na umiinog ang araw-araw na buhay ng mga tao.
Pero paano nga ba mapapanatili ang seguridad sa mga accounts na mayroon ang mga tao?
Siyempre, magmumula ito sa security ng account—kung saan protektado ang lahat ng laman nito sa pamamagitan ng isang pangmalakasang password.
Ayon sa NordPass, narito ang ilang paraan upang masiguro na swak ang password para protektahan ang account:
- May habang 12-15 characters ang password
- Pagsamahin ang malalaki at maliliit na titik, samahan na rin ng mga letra at simbolo
- Huwag gumamit ng mga karaniwang pangalan
- Gawing iba-iba ang password ng iba’t ibang account
Base pa sa source, narito naman ang ilan sa “bad password ideas:”
- 123456789
- abc123
- qwerty
- iloveyou
- hello
- computer
- password123
Kung nag-aalangan, at nais ng mas secured na account, nariyan din ang PIN, fingerprint, at face authentication na puwedeng gamitin para sa mas protektadong account.
Siguraduhin ang matibay na seguridad ng account, at tiyaking protektado ang personal na impormasyong maaaring gamitin sa hindi magandang gawain.