May 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Nanay, tinodas at inilibing ng sariling anak sa bakuran!

Nanay, tinodas at inilibing ng sariling anak sa bakuran!
Photo courtesy: Unsplash

Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang 74 taong gulang na ginang matapos umano siyang atakihin ng sarili niyang anak sa Benguet. 

Ayon sa mga ulat, isang saksi ang nakakita sa 37-anyos niyang anak na naghuhukay at tila may inililibing. 

Nang makaalis na mula sa bakuran, tiningnan umano ng saksi ang hukay na pinagkaabalahan ng suspek at doon tumambad sa kaniya ang paa ng isang babae.

Bunsod nito, doon na raw nagpasiya ang saksi na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Narekober ng mga awtoridad ang ginang mula sa hukay. Agad din silang nagtungo sa bahay ng mag-ina kung saan namataan pa raw nila ang mga dugo sa loob at paligid ng bahay.

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!

Kaagad naaaresto ng mga awtoridad ang suspek at kasalukuyan na itong nasa kanilang kustodiya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng suspek ngunit isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang pinagdaraanang depresyon umano ng suspek.