Inihayag sa publiko ni United States (US) President Donald Trump ang kaniyang tila pagkadismaya sa pagpapalit ng bagong supreme leader ng Iran.
Matapos ito ng naging pagpanaw ni dating Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei noong Marso 1, 2026, dahil sa magkasabay na pag-atake ng mga bansang Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Ayatollah Ali Khamenei?
Kaugnay nito, matatandaan namang napagdesisyunan at itinalaga ng mga miyembro ng clerical body ng Iran noong Lunes (araw sa Pilipinas), Marso 9, 2026, bilang bago nilang Supreme Leader ang anak ng nasawing si Ayatollah Ali na si Mojtaba Khamenei
KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Ali Khamenei, itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran!
Ayon naman sa naging panayam ng media kay Trump habang nasa Doral, Florida noong Lunes, (araw sa US), Marso 9, 2026, sinabi niyang nadismaya raw siya dahil tila mauulit lang daw ang problemang sinapit ng Iran sa pagtatalaga ng bago nilang supreme leader.
“I was disappointed because we think it's gonna lead to just more of the same problem for the country,” aniya.
“So I was disappointed to see their choice,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang Pebrero 28, 2026, nang pormal na inanunsyo sa publiko ni Trump ang pagsisimula umano major combat operation ng US military laban sa Iran.
Nagawa pang papiliin noon ng US President ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), mga militar, at kapulisan ng Iran kung ibababa ng mga ito ang kanilang mga armas o haharapin ang tiyak na pagkasawi sa labanan.
Ani Trump, ibibigay naman daw nila ang gobyerno ng Iran sa taumbayan kapag natapos na nila itong ma-takeover, kagaya na rin umano ng matagal nang hiling ng taumbayan ng Iran.
Pagpapatuloy ni Trump, tutulungan daw nila ang mamamayan ng Iran sa pamamagitan ng kanilang buong puwersa at dapat daw na hindi ito palampasin.
KAUGNAY NA BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!
KAUGNAY NA BALITA: Trump, nagbabala sa Iran: 'Lay down your weapons or face certain deaths!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita