March 18, 2026

Home BALITA Probinsya

Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!

Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Councilor Ray-An Rentoy

Tila binatikos ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang larawan ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo na nakasakay sa isang pampasaherong bus.

Naging ugat nito ang ibinahaging larawan sa publiko ni Naga City Councilor Ray-An Rentoy kung saan makikita si Robredo na nasa isang ordinaryong pampasaherong bus patungong Maynila. 

Anang konsehal, paraan daw iyon ni Robredo upang makatipid sa paggamit ng government vehicle sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produkto sa petrolyo. 

Paglilinaw ni Rentoy, may nakatakda raw daluhan si Robredo sa ilang tanggapan ng pamahalaan sa Maynila kaya kinakailangan nitong bumiyahe. 

Samantala, ayon naman sa naging reaksyon ni Roque sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 13, 2026, sinabi niyang muntik na raw sana siyang maniwala kung ordinaryong pasahero lang ang kumuha ng larawan ng alkalde. 

Probinsya

Erpat na naaktuhang bumabatak ng shabu, sinaksak ng tinedyer na anak; patay!

“Maniniwala sana ako kung kuha ng netizens or ng ordinaryong pasahero,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa post ni Roque. 

Dagdag pa niya, “Magpakatotoo naman tayo iyun ang gusto ng mga tao.” 

Ayon naman sa naging tugon ni Robredo nito ring Biyernes, nagawa niyang ibahagi ang post ng isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na si Marlon Casilao na navideohan siya habang nakasakay sa loob ng nasabing bus. 

“Sagot sa fake news ng mga tao na walang kilalang politiko na [nagbu-bus] na walang bodyguard na kasama,” pagsisimula ng alkalde. 

Aniya, “Post po ito ni SK Chair Marlon Casilao na nasa terminal din para ihatid ang nanay niya na papunta sa Manila. Pasensya na sa mga pasahero na nakasama sa video.” 

MAKI-BALITA: Mayor Leni, ipinag-utos 'compressed workweek policy' sa Naga