Inanunsiyo ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang pagkandidato niyang senador sa 2028 national elections.
Sa ginanap na Cebu Alliance for Duterte 2028 nitong Biyernes, Marso 13, sinabi ni Guanzon na ipaglalaban niya ang mga Bisaya at muling babawiin ang Senado.
“I will fight for the Visayans,” saad niya. “Forty years na walang Sebwanong senador. We will reclaim our seat in the Senate.”
Matatandaang si Guanzon ay pinroklamang first nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD) party-list para sa 19th Congress.
Ngunit pinawalang-bisa ito ng Korte Suprema dahil ang paghalili ni Guanzon ay saka lang nangyari matapos ang eleksyon 2022.
Nakakuha noon ang P3PWD party-list ng 391,174 boto o 1.0629% dahilan para makakuha sila ng isang seat sa Kongreso.