May 14, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ashley Sarmiento, kinumpirma panliligaw ni Rave Victoria!

Ashley Sarmiento, kinumpirma panliligaw ni Rave Victoria!
Photo Courtesy: Ashley Sarmiento, Rave Victoria (FB)

Naniningalang-pugad na si Rave Victoria sa kapuwa niya “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” housemate na si Ashley Sarmiento.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Marso 13, kinumpirma ni Ashley ang panliligaw sa kaniya ni Rave matapos mausisa hinggil dito.

Aniya, “Nag-start na po siya [si Rave].”

“Isang beses pa lang po siya pumunta sa house pero one time po nag-church po kami tapos ini-invite po kami ng ate ko sa house niya po para mag-bonding po,” dugtong pa ni Rave.

Nagsimulang mabuo ang ugnayan ng dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya. In fact, binansagan ang kanilang loveteam bilang “AshRave.”

Relasyon at Hiwalayan

KDLex, hiwalay na!

Matatandaang si Ashley ay itinaghal na 3rd Big placer sa katatapos lang PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 kasama si Joaquin Arce habang si Rave naman ay hindi pinalad at maagang na-evict kasama si Anton Vinzon.

Maki-Balita: Anton Vinzon, Rave Victoria lumabas na sa Bahay ni Kuya