May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Totoo naman po!' Lella Ford, aminadong nepo baby pero wala naman daw masama

'Totoo naman po!' Lella Ford, aminadong nepo baby pero wala naman daw masama
Photo courtesy: Lella Ford (FB)

Tila aminado ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya Big Winner na si Lella Ford sa bashing na natatanggap na isa raw siyangg “nepo baby.” 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Ayon sa naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” kay Lella noong Miyerkules, Marso 11, 2026, nagawang uriratin ng TV host ang PBB winner tungkol sa pagiging nepo baby niya dahil nanay niya ang aktres at TV host na si Karla Estrada, at kapatid ang Kapamilya Superstar na si Daniel Padilla. 

“When you called the nepo baby because you are the daughter of Karla and you are the sister of a superstar Daniel Padilla, ano ang reaksyon mo? “ tanong ni Tito Boy. 

Ani Lella, totoo at wala naman daw kasinungalingan sa sinasabing ito ng netizens tungkol sa kaniya. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Totoo naman po. I mean, where’s the lie?” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “It’s true and wala naman pong masama doon.” 

Paliwanag ni Lella, nagiging masama raw ang isang nepo baby kapag sinasamantala nito ang kaniyang pribilehiyo at nagiging palamunin nang walang ginagawa. 

“Naging masama lang siya if you take advantage of it. Palamunin ka nang wala kang ginagawa,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, iba raw siya sa kinagisnan ng publiko tungkol sa pagiging nepo baby dahil gumagawa siya ng pangalan sa industriya ng showbiz sa pamamagitan ng sariling pagpupursigi. 

“But ako po, I’m here because I’m making a name for myself and pinaghihirapan ko lahat ng meron ako,” pagtatapos pa niya. 

“Anak ka nga ni Karla,” pagmamalaki naman ni Tito Boy. 

MAKI-BALITA: Basher ni Lella, lagot kay Karla Estrada: 'May kahihinatnan 'to, nasira na ulo!'