May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Angelica Panganiban sa mga bet ng pagbabago: 'Kailangan mong mag-speak up!'

Angelica Panganiban sa mga bet ng pagbabago: 'Kailangan mong mag-speak up!'
Photo Courtesy: Angelica Panganiban (IG)

Sumang-ayon si Kapamilya star Angelica Panganiban sa pananaw ni Unkabogable Star Vice Ganda kaugnay sa pagboses sa mga napapansing mali sa paligid.

Sa ginanap kasing media conference ng suspense-drama na “The Silent Noise” kamakailan, nahingan ng reaksisyon si Angelica hinggil dito.

“Sabi ni Vice Ganda,” saad ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe, “sa recent episode ng 'It’s Showtime,' kung tayo ay may napapansin na mali at hindi tama, huwag tayong mawawalan ng boses o matatakot o i-call out. Kasi kung hindi at wala kang ginawa sa gitna ng kasamaan, bahagi ka na rin nito. Do you agree? And why do you think people remain silent when something is wrong?”

“I think nanatili tayong tahimik dahil sa fear. Sa fear na ini-impose sa atin ng society, o kung saan man 'yong pinasok natin, anomang institution man 'yon,” sagot ni Angelica..

Kaya kailangan umanong mawala ang takot dahil kahit sino naman ay kayang magsasalita kung may taglay na tapang.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Anang aktres, “[K]apag tama ka, wala kang dapat ikatakot. Kailangan mong mag-speak up. Hindi lang para sa sarili mo, kasi hindi lang naman ikaw 'yung makikinabang. All the more ikaw pa nga 'yung mapasama.”

“Pero kailangan mong mag-speak up. Palagi. Kung gusto mo ng pagbabago, kailangan mong magsalita,” dugtong pa niya.

Matatandaang binitawan ni Vice ang nasabing pahayag sa gitna ng kontroberisyal na pahayag ni Quezon City First District Rep. Bong Suntay laban kay “It’s Showtime” host Anne Curtis.

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records