April 26, 2026

Home BALITA

LPA sa labas ng PAR, may 'medium chance' na maging bagyo

LPA sa labas ng PAR, may 'medium chance' na maging bagyo
DOST-PAGASA

May "medium chance" na maging isang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Marso 9.

Namataan ang LPA sa layong 1,425 kilometers East of Northeastern Mindanao, as of 8:00 AM.

Bagama't hindi inaasahang papasok sa loob ng PAR, nakakaapekto na ito sa ilang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng trough o extension ng LPA, ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.

Dagdag pa ni Aurelio, ang madadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang trough ng LPA sa Visayas, Mindanao, Sorsogon, at Masbate.

Samantala, ang northeast monsoon o hanging amihan ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon, na nagdadala rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Bicol Region.

National

Danger! 45°C na temperatura, naitala sa Iloilo at Easter Samar ngayong Abril 26

Mararanasan naman ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay maaaring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light monsoon rains.